Kassandra Allia B. de la Viña
8 Tuburan
Mayo 6, 2018
8 Tuburan
Mayo 6, 2018
Pagsusuri sa Himagsik ni Balagtas
(Himagsik Laban sa Maling Pananampalataya)
Si Francisco Balagtas ay gumuwa ng apat na himagsik at ipinakita ito sa kanyang akda na Florante at Laura. Isa sa mga himagsik na ito ay ang Himagsik Laban sa Maling Pananampalataya. Nagpapakita ito ng diskriminasyon at hindi pagkakaintindihan ng mga Kristiyano sa mga Moro o Muslim.
Sa panahon ni Balagtas, ang mga Moro ay itinutukoy ng mga Kastila (na mga Kristiyano) na mga lilo, pahamak at salot sa lipunan. Hindi sumang-ayon si Balagtas dito kaya ipinakita niya sa Florante at Laura na pwede ang dalawang relihiyon na magkasundo at magtulungan. Sa isang kabanata, habang kinukwento ni Florante kay Aladin ang mga nangyari sa kanya, nabanggit ni Florante ang mga nagawa ni Aladin at dahil dito ay napahanga siya. Isang Kristiyano si Florante at si Aladin nama'y isang Moro ngunit ang dalawa ay nagkakasundo naman sa ilang bagay. Ngunit nagpapakita din ng karahasan tungo sa Moro ang akda, atulad ng labanan ni Florante at Heneral Osmalik.
Sa kasalukuyang panahon, ang mga Kristiyano ay minsa'y umiisip din ng mga masamang bagay tungkol sa mga Muslim, katulad ng ideya na sila ay mga terorista. Hindi man nila alam pero parang dumidiskrimina na sila. Ngunit ang iba naman ay magkaibigan naman sa Muslim o sa ibang relihiyon.
Nice
ReplyDeleteMahusay
ReplyDeleteMagaling! :)
ReplyDeleteMagaling
ReplyDeleteLodi
ReplyDeleteMagaling! Magaling!
ReplyDeleteMahusay
ReplyDeleteAng ganda ng pagkagawa
ReplyDeleteMagaling kaibigan
ReplyDelete👏🏻👏🏻
ReplyDeleteAng dami kong natutunan
ReplyDeleteMahusay!
ReplyDeleteMagaling!
ReplyDeleteNapakaganda!
ReplyDelete